Darating din siya

I am always wondering.. san ba ko nagkulang? Sa height? Probably. Kase eto na yung pinagkaloob sakin ng Diyos. Sa ganda? Posible. Pero ikaw na ung best version ng mga magulang mo.. Sa ugali? Pwede. Pero sa pagkakaalam ko ung attitude mo depende sa taong kaharap mo.

Iba-iba nga yung tao noh? Hindi mo matantya kung kelan ka lolokohin. Kase kahit gawin mo na lahat, kahit magtumbling ka pa sa harap niya, pag hindi siya nasisiyahan, maghahanap at maghahanap yan ng iba.. pero ang tanong.. sapat nga ba ung mga binibigay mo? O bka may nakakapagbigay na ng kulang mo ng hindi mo namamalayan? Tapos bigla bigla mo na lang marerealize, na kung sino pa ung minamahal mo ng lubusan, sila pa yung may ganang mangiwan. Ang saklap noh?

Sabi naman nila.. baka hindi pa nga para sayo.. ang tanong ko naman.. kung hindi pa para sakin, bkt pa siya dumaan? sana dumiretso nalang para hindi na umasang magsasabay na maglakad hanggang sa huli. Sana hindi nasayang yung mga oras na wala kayong ginawa kundi ang bumuo ng mga pangarap.

Pero heto na tayo sa tagpong to eh, yung magigising ka na lang isang araw, magisa ka nalang. Oo, minsan normal mag-emote, umiyak, magpakalasing at kung ano pa na pwede mong gawin para kahit konti maibsan yung nararamdaman mong sakit.

Madalas na tanong natin sa sarili, “ano bang nagawa ko? Saan ba ako nagkamali? Ehh kung may pinalit na sya sayo, magmumukmok ka na lang ba? Ipapakita mo ba na talunan ka? Kaya ka nga pinagpalit db? Kase hindi na sya masaya. Aminin man natin o hindi, meron nang MAS nakakapagbigay ng kasiyahan sa kanya na dati ay ikaw lang.

Move on bes. Alam ko madaling sabihin pero totoo, mahirap siyang gawin. Pano ba magsisimulang makalimot? Kung bawat araw na paggising mo, siya ung unang pumapasok sa isip mo. Yung kahit san ka magpunta naalala mo siya.

Ito yung sinasabi nilang mahirap, yung magsimulang muli. May choice pa ba tayo? Magmamakaawa ka ba na bumalik siya? Yes. At some point, you can do it just once. Atleast masasabi mo na ipinaglaban mo siya. Pero kapag hindi na talaga bumalik, hayaan mo nalang. Kung hindi siya para sayo, hindi talaga. Bakit mo pa ipagpipilitan? Masasaktan ka lang.

They often say, madami namang iba dyan. Oo naman, pero sa dami nila, isa lang talaga nakapagpatibok ng puso mo. At ngayong wala na siya, kailangan mo ulit maghintay ng taong makakapagpasaya sayo. Yung taong makakabuo ulit ng mundo mong nawasak.

Heto na naman tayo sa paghihintay, pero hanggang kailan? Hanggat humihinga ka, huwag mawalan ng pag-asa. Darating din siya. 😉